- Home
- Edukasyon sa Pagpapakatao
- C. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang titik ng sagot na angkop sa inyong gagawin sa bawat sitwasyon. 1. Mayroon kang tinapos na takdang-aralin hanggang hatinggabi. Upang hindi ka antukin...
- briellenicolegalbine
- 9 months ago
- Edukasyon sa Pagpapakatao
C. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang titik ng sagot na angkop sa inyong gagawin sa bawat sitwasyon. 1. Mayroon kang tinapos na takdang-aralin hanggang hatinggabi. Upang hindi ka antukin, nilakasan mo ang radyo. Lumabas sa kwarto ang bunso mong kapatid at sinabihan ka na hindi siya makatulog sa lakas ng radyo mo. Sinabi niya na hinaan mo ito ngunit inaantok ka na. Ang malakas na tunog lang ang nag-aalis ng antok mo. Ano ang gagawin mo? a) Pagagalitan ang kapatid dahil nakikialam siya. b) Papatayin ang radyo, hindi tatapusin ang takdang-aralin at magsusumbong sa nanay na inistorbo ka kaya wala kang maibibigay na takdang-aralin sa guro. c) Papatayin ang radyo. Maghanap nalang ng ibang paraan para hindi antukin, 2. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinalat na tsismis tungkol sa iyo ang iyong matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin mo? a) Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak. b) limbitahan ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tanungin nang mahinaon kung totoo ang isinumbong tungkol sa kaniya ng kamag- anak. c) Magagalit sa matalik na kaibigan at hindi na papansinin kailanman 3. Pinagalitan ka ng iyong guro dahil sa isang pagkakamali na hindi naman ikaw ang gumawa. Napahiya ka sa buong klase. Napag-alaman mo na isa pala sa kamag-aral mo ang nakagawa ng mali at ikaw ang kaniyang naituro nang tanungin siya ng inyong guro. Humingi siya ng tawad sa iyo at nangakong sasabihin sa guro ang totoo. Ano ang gagawin mo? a) Sasabihin sa kaniya na huwag nang mag-abala dahil nasira ka na sa inyong guro. b) Aawayin siya nang husto dahil sa iyong pagkapahiya sa klase. c) Pakikinggan ang paliwanag ng kamag-aral at tatanggapin ang kaniyang suhestiyon. 4. May darating na balikbayan sa inyong bahay. Wala ang inyong mga magulang. Iminungkahi ng inyong panganay na kapatid na maglinis nang husto sa bahay. Alam mo na wala kang panahon para dito dahil may tinatapos kang proyekto na ibibigay mo sa iyong guro kinabukasan. Ano ang gagawin mo? a) Kakausapin ang kapatid na nagbigay ng suhestiyon na maglinis kayo pagkatapos na lang ng proyekto mo. b) Malinis sa kapatid dahil naiistorbo ka at nawala sa isip mo ang iba mong balak gawin. c) Iwan ang kapatid at lilipat sa ibang bahagi ng bahay upang matapos mo ang iyong proyekto.
-
1 Mga sagot
Answer:
Here are the answers that I believe are most appropriate for each situation:
1. c) Papatayin ang radyo. Maghanap nalang ng ibang paraan para hindi antukin. (Turn off the radio and find another way to stay awake, rather than disturbing your sibling or not completing your homework.)
2. a) Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak. (Ignore what your relative said and do not spread the rumor further.)
3. c) Pakikinggan ang paliwanag ng kamag-aral at tatanggapin ang kaniyang suhestiyon. (Listen to your classmate's explanation and accept their suggestion to apologize to the teacher and tell the truth.)
4. a) Kakausapin ang kapatid na nagbigay ng suhestiyon na maglinis kayo pagkatapos ng proyekto mo. (Talk to your older sibling and suggest that you clean the house after you finish your project.)